Dinala ng PlayTime Entertainment brand ang diwa ng “Born for Happiness” matapos makilahok sa 2026 Kadayawan Festival, kung saan ipinagdiwang ang isa sa pinakasiglang festival sa Pilipinas sa pamamagitan ng entertainment, community engagement, on-ground activities at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa Davao.
Mula Agosto 14
hanggang 16, nakibahagi ang PlayTime Entertainment sa serye ng mga
aktibidad sa Davao kasama na rito ang
DJ’s Fun Day ng Win Radio, Kapamilya Karavan ng ABS-CBN at KoLab Davao. Sa
pamamagitan ng mga palaro, entertainment, papremyo at mga brand activation ng
PlayTime, nagdala nang kasiyahan at kapapanabikan ang kompanya sa lokal na
komunidad habang nakikibahagi sa Davao para ipagdiwang ang mahalagang pistang
ito.
Malugod na
sinalubong ang espesyal na panauhin sa tatlong araw na pagdiriwang, ang brand
ambassador ng PlayTime Entertainment at Miss Tourism Philippines na si
Alexandra Krishna M. Oriño. Naglakbay si Alexandra papuntang Davao upang
personal na maranasan ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival at makipag-ugnayan
sa lokal na komunidad.
Habang siya ay nasa
Davao, kinatawan ni Alexandra ang PlayTime upang maranasan ang makulay na
kultura at tradisyon ng Kadayawan. Lubos na inilaan niya ang kanyang sarili
para maranasan ang masayang kapaligiran, makihalubilo sa lokal na komunidad at
tikman ang isa sa pinakatanyag na pagkain sa Davao, ang sariwang Durian. Ang
karanasang ito ay nakapagbigay sa kanya ng mas malalim na pagpapahalaga sa
natatanging kultura, pagkain at mainit na pagtanggap ng mga taga-Davao habang
sinasalamin nito ang diwa ng pasasalamat, kasaganaan, at komunidad na
kinakatawan ng Kadayawan.
Para sa PlayTime
Entertainment, ang pagdadala kay Alexandra sa Davao ay higit pa sa brand
appearance. Ito ay isang pagkakataon upang lumikha ng tunay na ugnayan sa
pagitan ng entertainment, kulturang Pilipino at lokal na pamayanan. Sa
karanasang tulad nito, layunin ng PlayTime ang bumuo ng makabuluhan at tunay na
koneksyon sa mga tao sa bansa.
Sa loob ng tatlong
araw na selebrasyon, nakipag-ugnayan ang PlayTime sa mga dumalo sa pamamagitan
ng mga interactive games, entertainment, mga papremyo at mga brand experience
na lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga tao na makilahok, magsaya, at makibahagi
sa mga hindi malilimutang sandali kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at
komunidad.
Ang Davao
activation ay sumasalamin din sa patuloy na pagsisikap ng PlayTime
Entertainment na maghatid ng saya na higit pa sa screen at makarating sa mga
komunidad sa totoong buhay. Sa pamamagitan ng media, entertainment, sports at
artist management platforms, ipinagpapatuloy ng PlayTime ang paglikha ng mga
karanasan na nagbubuklod sa mga tao at nagbibigay pagkakataon sa kanila na
magdiwang at makisaya sa mga makabuluhang sandali.
Ang “Born for
Happiness” ay mahalagang bahagi ng diwa para sa brand ng PlayTime Entertainment
na sumasalamin sa pangako ng kompanya na hindi lamang maghatid ng entertainment
kundi lumikha ng mga sandaling magbigay nang kaligayahan at kagalakan na
maaring maranasan at ibahagi ng mga tao sa iba.
Ipinagdiriwang ng
Kadayawan ang pasasalamat, kasaganaan pati na rin ang mayaman at iba’t ibang
kulturang pamana ng Davao. Ipinagmamalaki ng PlayTime Entertainment na maging
bahagi ng selebrasyon at makibahagi sa masiglang diwa, kultura at
pagkamaasikaso ng lungsod.
Habang patuloy na
nagpapalawak ang PlayTime Entertainment ng mga aktibidad sa komunidad,
entertainment experiences at makabuluhang pakikipagtulungan, patuloy na
maghahatid ng diwang “Born for Happiness” ang kompanya sa mas maraming
komunidad sa buong Pilipinas at lilikha pa ng mas maraming sandali ng kasiyahan
para sa mga Pilipino.
PlayTime
Entertainment — Born for Happiness.
# # #



