Thursday, August 20, 2026

PlayTime Entertainment, Naghatid ng Saya at Entertainment sa pagdiriwang ng 2026 Kadayawan Festival sa Davao

Dinala ng PlayTime Entertainment brand ang diwa ng “Born for Happiness” matapos makilahok sa 2026 Kadayawan Festival, kung saan ipinagdiwang ang isa sa pinakasiglang festival sa Pilipinas sa pamamagitan ng entertainment, community engagement, on-ground activities at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa Davao.

 

Mula Agosto 14 hanggang 16, nakibahagi ang PlayTime Entertainment sa serye ng mga aktibidad  sa Davao kasama na rito ang DJ’s Fun Day ng Win Radio, Kapamilya Karavan ng ABS-CBN at KoLab Davao. Sa pamamagitan ng mga palaro, entertainment, papremyo at mga brand activation ng PlayTime, nagdala nang kasiyahan at kapapanabikan ang kompanya sa lokal na komunidad habang nakikibahagi sa Davao para ipagdiwang ang mahalagang pistang ito.

 





Malugod na sinalubong ang espesyal na panauhin sa tatlong araw na pagdiriwang, ang brand ambassador ng PlayTime Entertainment at Miss Tourism Philippines na si Alexandra Krishna M. Oriño. Naglakbay si Alexandra papuntang Davao upang personal na maranasan ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival at makipag-ugnayan sa lokal na komunidad.

 

Habang siya ay nasa Davao, kinatawan ni Alexandra ang PlayTime upang maranasan ang makulay na kultura at tradisyon ng Kadayawan. Lubos na inilaan niya ang kanyang sarili para maranasan ang masayang kapaligiran, makihalubilo sa lokal na komunidad at tikman ang isa sa pinakatanyag na pagkain sa Davao, ang sariwang Durian. Ang karanasang ito ay nakapagbigay sa kanya ng mas malalim na pagpapahalaga sa natatanging kultura, pagkain at mainit na pagtanggap ng mga taga-Davao habang sinasalamin nito ang diwa ng pasasalamat, kasaganaan, at komunidad na kinakatawan ng Kadayawan.

 

Para sa PlayTime Entertainment, ang pagdadala kay Alexandra sa Davao ay higit pa sa brand appearance. Ito ay isang pagkakataon upang lumikha ng tunay na ugnayan sa pagitan ng entertainment, kulturang Pilipino at lokal na pamayanan. Sa karanasang tulad nito, layunin ng PlayTime ang bumuo ng makabuluhan at tunay na koneksyon sa mga tao sa bansa.

 

Sa loob ng tatlong araw na selebrasyon, nakipag-ugnayan ang PlayTime sa mga dumalo sa pamamagitan ng mga interactive games, entertainment, mga papremyo at mga brand experience na lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga tao na makilahok, magsaya, at makibahagi sa mga hindi malilimutang sandali kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at komunidad.

 

Ang Davao activation ay sumasalamin din sa patuloy na pagsisikap ng PlayTime Entertainment na maghatid ng saya na higit pa sa screen at makarating sa mga komunidad sa totoong buhay. Sa pamamagitan ng media, entertainment, sports at artist management platforms, ipinagpapatuloy ng PlayTime ang paglikha ng mga karanasan na nagbubuklod sa mga tao at nagbibigay pagkakataon sa kanila na magdiwang at makisaya sa mga makabuluhang sandali.

 

Ang “Born for Happiness” ay mahalagang bahagi ng diwa para sa brand ng PlayTime Entertainment na sumasalamin sa pangako ng kompanya na hindi lamang maghatid ng entertainment kundi lumikha ng mga sandaling magbigay nang kaligayahan at kagalakan na maaring maranasan at ibahagi ng mga tao sa iba.

 

Ipinagdiriwang ng Kadayawan ang pasasalamat, kasaganaan pati na rin ang mayaman at iba’t ibang kulturang pamana ng Davao. Ipinagmamalaki ng PlayTime Entertainment na maging bahagi ng selebrasyon at makibahagi sa masiglang diwa, kultura at pagkamaasikaso ng lungsod.

 

Habang patuloy na nagpapalawak ang PlayTime Entertainment ng mga aktibidad sa komunidad, entertainment experiences at makabuluhang pakikipagtulungan, patuloy na maghahatid ng diwang “Born for Happiness” ang kompanya sa mas maraming komunidad sa buong Pilipinas at lilikha pa ng mas maraming sandali ng kasiyahan para sa mga Pilipino.

 

PlayTime Entertainment — Born for Happiness.

 

# # #

 

No comments:

Post a Comment